Pagpapasa sa FOI muling iginiit ng kaalyado ni PNoy

sherwin-tugna

KAILANGANG daluhan ng mga kongresista ang unang sesyon sa muling pagbubukas nito sa Enero 21.

Ito ang panawagan ni Asst. Majority Leader at Cibac Party-list Rep. Sherwin Tugna sa liderato ng Kamara dahil ito lamang ang tanging paraan para matiyak na maipapasa ang Freedom of Information Bill.

Marapat lamang aniya na ang FOI ang unang bigyang pansin bago pagtuunan ang election lalo’t sa ikalawang linggo pa ng Pebrero magsisimula ang kampanya ng mga kakandidato sa 2013 midterm election.

“We should take advantage of this reality and tell our Representatives to attend the remaining session days in Congress. I believe that with enough prodding, the people can reach critical mass and compel the members of Congress to finish this business with the FOI bill,” ani Tugna.

Naniniwala pa si Tugna na hindi bibiguin ng Kongreso ang taumbayan at maipapasa rin ngayong muling pagbubukas ng sesyon ang FOI bill.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply