PAGPAPATIBAY SA TAGUIBO RIVER BILANG WQMAs

hilda ong

SINABI pa ni kalihim Ramon JP Paje na ang pagkakatalaga ng WQMAs ay panawagan para sa pagsasanggalang sa kalidad ng tubig sa ating sistemang pang-ilog na pangunahing kailangan sa mga hanapbuhay at pampublikong kalusugan.

Nagsisilbing pangunahing pinagkukunan din ng Agriculture sa lugar at nakasusuporta para sa food production at industriya sa kanyang nasasakop ang naturang ilog.

“Kagaya ng ginagawa natin sa ibang WQMAs, dapat nating ipagpatuloy ang katanggap-tanggap na kalidad ng tubig sa Taguibo River dahil sa ito ang pinanggagalingan ng suplay ng tubig at pangkabuhayan ng mga mamamayan ng Butuan City gayundin sa mga bayan ng Magallanes at Remedios T Romualdez sa Agusan del Norte”. ayon kay kalihim Paje.

Nauna rito, nagpasa ng resolusyon ang Butuan City Council na nagrerekomenda sa DENR secretary sa pagpapatibay sa Taguibo River bilang WQMA, na nagsasabi ng kanyang kasalukuyang kondisyon ay nangangailangan ng seryosong proteksyon at pangangalaga mula sa lokal na pamahalaan at ilang stakeholders na makikita malapit sa water shed area.

Tinuran pa ni Paje ang paglalagay ng WQMAs ay pagiging dahilan upang ang mga tao at opisyales na may kaugnayan dito maging sa lokal o nasyonal na lebel man ay makapagpokus sila sa mga intervention ukol sa tanging problema sa kalidad ng tubig na may kaugnayan sa isang partikular na lokalidad.

Sa ilalim ng Clean Water Act, ang DENR, sa pakikipagtulungan ng National Water Resources Board ay may karapatang maglagay ng tanging lugar bilang WQMAs at gumagamit ng nakaangkop na physiographic units tulad ng water shed, river basins o kaya ay water resources regions upang epektibong maipatupad ang mga probisyon at mapaunlad ang kalidad ng tubig at kabuuang katubigan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply