Pagpapatupad ng Bangsamoro framework agreement, tuloy – SC

bangsamoro2

HINDI nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa implementasyon ng kontrobersyal na Bangsamoro Framework Agreement sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa halip, ayon kay SC deputy spokesperson Atty. Gleo Guerra, inatasan ng SC ang Office of the Solicitor General (OSG) na maghain ng komento hinggil sa petisyon nina Elly Pamatong at iba pa.

Sa kanyang petition, una ng hiniling ng mga ito na ideklarang unconstitutional ng korte ang nasabing kasunduan.

Kinuwestyon ni Pamatong kung bakit sa Malaysia ginawa ang mga dayalogo ng Government Peace panel at MILF gayong hindi naman ito maituturing na neutral party dahil na rin sa claims nito sa Sabah Island.

Bukod rito, ang nasabing kasunduan ay wala ring pinagkaiba sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) na nilagdaan noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na una ng idineklarang unconstitutional.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply