Pagpasok ng 2nd hand vehicles sa bansa ‘di na papayagan

MAHIGPIT nang ipagbabawal sa bansa ang pag-aangkat ng mga gamit na sasakyan o second-hand vehicles.

Ito ay batay sa desisyong nilagdaan ng Korte Suprema na naglalayong paigtingin ang Executive Order 156 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Hindi nama sakop ng EO ang mga sasakyang pag-aari ng mga balikbayan, sasakyan ng diplomatic corps, mga inangkat na firetruck, ambulansya, bus, garbage truck at iba pang special purposes vehicle.

Samantala, suportado ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong batas dahil maraming Pilipino ang makikinabang dito, bukod pa sa magbigay ito ng patas na negosyo sa local vehicle industry.

Pero nilinaw ng DTI na hindi na sakop ng batas ang mga dati nang second hand car na pumasok sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply