Pagpatay kay Mayor Domingo, ikinamangha ng mga taga-Maconacon

mayor-dead

 

NAMANGHA ang ilang opisyal ng Maconacon, Isabela sa nangyaring pagpatay kay Mayor Erlinda Domingo sa Quezon City nitong Martes ng 8:30 kagabi.

Sa panayam kay sangguniang bayan member Valentino Liberato, isa sa mga kaalyado ni Mayor Domingo, sinabi nito na nabigla sila nang mabalitaan ang pagpaslang kay Mayor Domingo.

Kung sa politika ang pag-uusapan, hindi naman mainit ang politika sa kanilang lugar dahil halos lahat ng mga incumbent SB members ay kanyang kaalyado kaya’t malayong politika ang motibo sa pagbaril sa alkalde.

Wala rin siyang alam na kaaway ni Mayor Domingo.

Samantala, maging ang hepe ng PNP-Moconacon ay tumanggi ring magbigay ng anumang pahayag hinggil sa pangyayari subalit kanyang sinang-ayunan ang sinabi ni SB member Liberato na payapa ang lugar kaugnay sa usaping politika.

Si Mayor Domingo ay naupo sa puwesto matapos mapaslang din ang dating mayor ng Maconacon na si Francisco Talosig noong 2009.

Hindi naman inaalis ni Vice Governor Rodito Albano na politika ang dahilan ng pagpaslang kay Domingo.

Sinabi naman ni Albano na huwag munang pangunahan ang ikinaksang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing krimen lalo na at sinasabing mga gun-for-hire ang pumaslang kay Domingo.

Umapela si Albano sa mga alagad ng batas na suriing mabuti ang mga anggulo sa kaso upang maputunayan kung sino ang may kagagawan nito.

Aniya, kinakailangan na masusi itong pag-aralang mabuti upang hindi magdulot ng kalituhan sa publiko.

Tiniyak pa ng vice governor na mananagot at dapat na maparusahan kung sino ang tunay na mga suspek at mga nasa likod ng pagpaslang sa alkalde.

Una rito, batay sa inisyal na imbestigasyon, pasakay na sa kaniyang maroon Mitsubishi Adventure si Domingo nang pagbabarilin ito ng mga armadong suspek.

Sugatan din sa insidente ang bodyguard nito na si Bernard Plasos.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director S/Supt. Richard Albano, naaresto na nila ang limang suspeks.

Sinabi rin ni Albano na mistulang planado ang pagsagawa ng krimen.

Kaagad namang nagpaabot nang pakikiramay at labis na pagkondena sa insidente si dating Isabela governor at ngayon ay Comelec commissioner Grace Padaca.

“Pati babae hindi pinatawad,” ani Padaca sa kaniyang Twitter account.

Napag-alaman na nakatakda sanang dumalo sa isang kasal si Domingo mula sa inuupahan nitong Villa Apartelle sa QC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply