Pagpatay sa botanist, pinareresolba agad ni de Lima

crime

PINAMAMADALI na ni Justice Secretary Leila de Lima kay Prosecutor General Claro Arellano  ang pagresolba sa kaso ng pagpatay sa Botanist na si Leonard Co at sa dalawang kasama nito.

Ito ang tugon ni Justice Secretary Leila de Lima, makaraang muling umapila ang Justice for Leonard Co Movement sa DOJ na agad ng resolbahin at sampahan na ng kaso ang mga miyembro ng 19th Infantry BAtallion na sinasabing responsible sa pagpaty kay Co, Sofronio Cortez, forester ng Energy Development Corporataion at guide na si Julius Boromeo.

Ang tatlo na syang nag-evaluate sa reforestation program ng EDC ay napatay noong November 15, 2010 sa Kalinga, Leyte.

Kasong murder ang inihaing kaso ng pamilya ng biktima sa DOJ.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply