Pagpatay sa mayor ng Isabela, kinondena ng NPC

mayor-erlinda-of-isabela

POLITIKA ang anggulong kinukunsidera sa pagkakapaslang sa alkalde ng Maconacon, Isabela na si Mayor Erlinda Domingo.

Kasabay nito, kinondena ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang duwag na paraan ng pagpatay kay Domingo kagabi sa tapat ng Villa Apartelle sa kanto ng  Examiner Road at Quezon Avenue, Quezon city.

Ani Valenzuela Rep. Rex Gatchalian, spokesperson ng NPC na ang alkalde ay “one of the most active and hardest working members of their party”.

Tinukoy ni Gatchalian ang pahayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director Senior Supt. Richard Albano na planado ang naturang pagpatay at posibleng may kinalaman ito sa politika.

Tatlong suspek na ang naasresto ng mga pulis at ang isa rito ay kinilalang si Christian Flores Pahinado.

“We laud the quick response and action of the police in this case, even as we appeal to them (the police) to leave no stone unturned and determine the real brains behind this dastardly act,”  ayon pa rink ay Gatchalian.

Ipinagluluksa, aniya, ngayon ng NPC ang pagkawalang ito ni Domingo.

Nauna ng umapela si Gatchalian sa Quezon city police na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang mailantad ang utak ng pagpatay.

Sa paunang pagsisiyasat ng mga otoridad, ang pagpatay ay naganap ng banding 8:30 kagabi kung saan dalawang tama ng bala ang nakita sa ulo ng alkalde sa loob ng kaniyang sasakayang Mitsubishi Adventure na may plakang SJA 893 na nakaparada sa tapat ng Apartelle.

Naideklara itong dead on arrival sa East Avenue Medical Center samantalasng ang kaniyang bodyguard na kinilalang si Bernard Plasos ay ginagamot sa East Avenue Medical Center dahil sa tinamong sugat sa kanang hita.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply