Pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha Reef, iimbestigahan ng Senado

tubbataha-reef

IIMBESTIGAHAN na rin umano ng Senado ang pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha Reef noong Enero 17.

Ito ang sinabi kahapon ni senadora Loren Legarda dahil isang environmental assault umano ang ginawa ng USS Guardian.

Base pa rin ito sa Senate Resolution 928 ni Legarda, chairman ng Senate Committee on Foreign Relations.

Ayon sa senadora, kailangang may full disclosure at accounting sa kabuuang danyos ng US Navy sa Tubbataha na isang marine protected area at World Heritage site.

Dagdag pa ni Legarda, layunin din umano nito na maiwasang maulit ang pagkawasak ng marine resources sa teritoryo ng bansa.

Sinabi pa ng senadora, marami pa rin umanong sasagutin ang kampo ng USS Guardian kahit nagsori na ang mga ito sa nangyaring pagsasad nito.

Ayon pa kay Legarda, hindi umano kailangang hilahin o hatakin ang pagtanggal sa minesweeper sa kanilang navy ship dahil baka masira ang corals.

Dagdag pa ng senadora, kahit magkano umano ang ibayad ng mga ito, hindi na maaaring mabalik yung reefs sa Tubbataha na masisira.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply