Pagsugpo sa iligal na droga, una sa PDEA

arturo-cacdac1

PANGUNAHING pagtutuunan ng pansin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagsagawa ng high-value at high-impact targets upang maresolba ang implementasyon sa anti-drug law ng organisadong sindikato ng iligal na droga.

Nauna nang nanawagan si  PDEA Usec at Dir. Gen.  Arturo Cacdac, Jr. ng mahigpit na kampanya laban sa iligal na gamot sa pagpatupad ng matinding  anti-illegal drug operations.

Ito ay base sa pag-neutralize na prayoridad  ang high-value at high-impact targets sa nakaraang seminar ng PDEA Strategic Planning, Command Conference and Intelligence Workshop.

Ayon sa PDEA chief,  may  direktiba na siya sa lahat  ng operating units na hulihin ang  drug syndicates at mga personalidad na nasa   priority target list; buwagin  ang clandestine laboratories.

Gayundin ang pagbuwag sa chemical warehouses ng sindikato; control chemical diversion; at pagkumpiska sa mapanganib na droga.

Aniya,  dapat  ang operasyon  ng  anti-illegal drug   ay planado,  dokumentado  at gawin   batay  sa  probisyon ng  anti-drug law, para  masiguro ang air-tight cases laban sa  drug offenders, upang maakusahan sila at  makulong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply