Pagsugpo sa loose firearms iginiit

firearms

IGINIIT ng isang arsobispo na malaking hamon sa framework agreement on Bangsamoro entity ang paglipana ng mga loose firearms sa Mindanao.

Sinabi ni Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma na kailangang makontrol ang pagkalat ng mga loose firearms para magtagumpay ang framework agreement sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Ledesma, dapat magkaroon ng istriktong kontrol o regulasyon sa mga unlicensed firearms.
Bukod dito, kailangan rin aniyang may ngipin ang batas para maparusahan ang mga mahuhulihan ng hindi lisensiyadong baril sa rehiyon.

“Well dapat mayroong regulations that are applicable to everyone. Dapat there are strict controls and even punishment on the proliferations of unlicensed firearms,” ayon kay Ledesma, sa panayam sa radyo.

Kaugnay nito, kinumpirma din ng Arsobispo ang involvement ng Mindanao Bishops sa framework agreement on Bangsamoro entity.

Napagkasunduan aniya ng mga Obispo sa Mindanao na patuloy nilang klaruhin ang mga probisyon ng kasunduan dahil maraming misconception ang mga tao hinggil dito.

Aniya pa, dapat ring magpursige ang pamahalaan at MILF para maging maayos ang kasunduan.

Dapat rin, aniyang, maging malinaw at ipaalam ng MILF at gobyerno sa mga mamamayan ang kasunduan sa power sharing, wealth sharing, transition of authority at basic law na gagawin para maipatupad ang framework agreement.

Pinakamahalaga, aniya, sa lahat ay magkaroon ng konsultasyon sa mga stakeholders at transparency sa pag-uusap.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply