Pagtutol ni PNoy sa total gun ban, inaasahan

oscar-cruz-3

HINDI na ikinagulat ng isang Arsobispo ng Simbahang Katoliko ang pagtutol ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa implementasyon ng total gun ban sa bansa.

Ayon kay Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), inaasahan na niyang hindi papaboran ni Pangulong Aquino ang naturang panukala.

Paliwanag niya, kilalang isang gun enthusiast o mahilig sa baril ang Pangulo kaya’t imposibleng ipatupad nito ang total gun ban.

Kaugnay nito, nagpahayag rin ng paniniwala ang Arsobispo na oras na maipatupad ang total gun ban sa bansa ay tiyak na tatamaan nito ang kanyang Gabinete na mahilig din sa baril.

“Siyempre naman. Asahan na yan na tututulan niya talaga ang total gun ban. Unang una, siya nga, he is a very big gun enthusiast. He likes target shooting. How many guns he has?  Yan ang di ko alam. Pero ako tiyak hindi lang isa yun. Kaya naman di na natin ikinagulat na tututulan niya yang total gun ban,” ani Cruz, sa panayam ng church-run Radio Veritas. “And for sure pag pinatupad mo yang total gun ban, ang kanyang mga kasamahan sa KKK ay tatamaan! Tiyak yun.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply