Painter todas sa kuryente

shock

TODAS ang isang painter, makaraang makuryente, habang nagtatrabaho sa loob ng pinapasukang kompanya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joem E. Estores, 18 anyos, binata, painter, tubong Brgy. Sundol, Casiguran, Sorsogon at stay-in worker ng Sam Shirley Garment and Printing Service sa #58 T. Santiago Street, Canumay West, Valenzuela City.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Alexander C. Manalo, dakong alas-5ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob ng nasabing kompanya.

Lumitaw sa report ng pulisya na ang biktima ay nag-aayos ng electrical wiring ng Industrial Blower ng kanilang kompanya nang aksidenteng dumikit ang katawan sa may talop na live electrical wire hanggang sa magkikisay ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply