Palasyo may 10 araw para sumagot sa petisyon vs RH Law

supreme-court-of-the-philippines

HINDI muna inaksyunan ng Supreme Court ang mga petisyon kontra sa kontrobersyal na Reproductive Health law.

Sa isinagawang en banc session kahapon nagpasya ang mga mahistrado na sa halip na maglabas ng temporary restraining order, kanila munang inatasan ang gobyerno na magsumite ng kumento sa inihaing mga petisyon na kumukuwestiyon sa ligalidad ng RH Law.

Sampung araw ang ibinigay ng SC sa respondent, ang Malacanang na kakatawanin ng Office of the Solicitor General, para maghain ng kumento.

Isa umano sa gagawing batayan ng korte ang ihahaing kumento kung nararapat bang magpalabas ng tro para mapigil ang pagpapatupad ng RH Law.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply