Palasyo: Walang dahilan para i-give-up ni PNoy ang kanyang mga baril

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para i-give up ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang mga baril kasunod ng mga insidente ng ligaw na bala tulad ng pagkamatay ng batang si Stephanie Nicole Ella noong Bagong Taon.

Ang katuwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, level of policy dapat ang pinag-uusapan sa aspetong ito at hindi ang personal na aktibidades ng Chief Executive.

Nauna rito, nanawagan si Representative Orlando Fua ng Siquijor kay Pangulong Aquino na maging ehemplo sa lahat lalo pa’t suportado nito ang gun ban.

Sa kabilang dako, ipinaubaya na ng Malakanyang sa mga mambabatas ang panawagan naman ng isang senatorial candidate na magkaroon ng mas mahigpit na gun laws at mabigat na kaparusahan sa mga lalabag dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply