Palawan Spartans pupupog sa World Slasher

2013-world-slasher

UMPISA na ngayong araw ang pupugan ng mga matitikas na manok panabong galing sa iba’t-ibang sulok ng bansa sa magaganap na 2013 World Slasher Cup Invitational 8-Cock Derby sa Araneta Coliseum.

Ibabandera ni defending champion Rey Briones ang mga pambato niyang manok sa Spartans Gamefarm upang sikwatin ang pang-apat na WSC title sa event na may PHP 66,000 pot money at minimum bet na PHP 33,000.

Kuminang ang Palawan Spartans nang mag-kampeon si Briones noong Enero, 2012 na yumangyang ng perfect 8 pts.

Inaasahang makikipag-pupugan ng husto ang Palawan Spartans sa 2-Cock Eliminations na mag-uumpisa ngayon hanggang hanggang 23, (Miyerkules).

Bibitawan naman ang 2-Cock Semifinals sa 24 at 25 na may puntos na isa pataas habang ang Finals ay 4-Cock sa 26 na may two hanggang three points at sa 27 ay ang mga may 3.5 pts. hanggang 4 pts.

Ito ang unang pagkakataon na aabutin ng isang lingo upang makasali ang lahat ng entries sa sinasabing Olympics of Cockfighting.

Inaasahang mapapalaban si Briones sa mga former January edition WSC rulers tulad nina, Patrick “Idol” Antonio, (2011), Sonnie Magtibay, (2010), Nene Abello, (2006), Dicky Lim, (2002) at Nene Araneta, (2001-1999).

Pihadong hindi rin magpapadehado ang mga foreign foes na sina Ray Alexander ng Alabama, Mike Formosa ng Hawaii at Bruce Brown ng California.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply