Palayan sa Cam Sur sinalakay ng pesteng daga

camsur-business-size

NADAGDAGAN pa ang mga palayan sa mga bayan sa Camarines Sur na nakakaranas ng pag-atake ng mga pesteng daga.

Nabatid na bukod sa bayan ng Minalabac, problema na rin ang mga daga ang bayan ng Bato, Bula at Milaor.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) – Camarines Sur, 19 ektarya ng palayan ang inatake ng mga daga sa Bato habang inaalam pa ang pinsala sa dalawang bayan.

Kaugnay nito, hindi lamang mga magsasaka ang nagrereklamo sa pananalakay ng mga daga kundi maging ang ilan sa mga residenteng nakatira malapit sa mga palayan.

Nabatid na pumapasok na rin sa kanilang bahay ang mga pesteng daga at kinakain ang mga nakaimbak nilang palay maging ang ilang gamit.

Ayon kay Manuel Penetrante, ang pangulo ng Multicoop, halos P1milyon na ang nalulugi sa kanilang pananim.

Sa ngayon, nakabandera pa rin ang “all out war” sa bayan ng Minalabac na huhulihin ng mano-mano ang mga daga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply