PALUSOT NG SIMBAHAN AMPAW AT UGAT NG PAGDAMI NG KRIMEN

burdado- jun briones

DAPAT pa ba tayong magtiwala sa Simbahang Katolika?

Ang tanong ko, parekoy, ay hindi dahil sa isinulat ni Rizal ukol sa sandamakmak na kalokohan ng simbahan.

Hindi rin basehan ng tanong ko ang napakaraming imoralidad ng kaparian.

Pag-usapan na lang natin ang ginawang pagpapakulong ng simbahan kay Carlos Celdran at ang “ampaw” na palusot nito.

Sinabi kahapon ng Archdiocese ng Maynila na hindi sila ang dapat sisihin sa pagkakahatol kay Celdran dahil noon pa nila ito pinatawad.

Talaga? Eh bakit hindi na lang nagbigay ng “affidavit of desistance” ang simbahan bilang complainant ng kaso?

Bakit patuloy ang kanilang pagdalo sa mga hearing maging ang kanilang mga testigo?

At kung hindi totoong sila ang interesado sa kaso, eh, bakit sinabi ni Manila Archdiocese communications chief Peachy Yamsuan na kahit pinatawad na ay dapat pa ring magdusa muna si Celdran?

Ibig sabihin ba, parekoy, bago makamit ni Celdran ang langit o kapatawaran ay dapat muna siyang magdusa sa impiyerno?

Sa ganang akin, kung talagang pinatawad na nila si Celdran, dapat ay “forgive and forget! Pero kung masama ang kanilang loob ay ‘wag ng magkunwari na pinatawad na nila!

Aminin na lang ang totoo at magpakatotoo! Huwag nang mambola pa! Shiiiiiiiiiiit! PINAG-AARALAN na raw ng DILG at PNP kung bakit muli na namang naglipana ang lantarang pangungulimbat o robbery ngayon sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa.

‘Ika nga ni SILG Mar Roxas, aaralin nating mabuti. Ha? Pag-aaralan pa lang? Asus! Ang isa po sa mga dahilan ng naglipanang “crime against property cases” ay election!

Aralin mong maigi Sec. Roxas, sir, at makikita mo ang sinasabi ko na election ang dahilan!

Ang ilang politiko na kapos sa panggastos sa darating na halalan ay pinakakawalan na ang kanilang “bad boys!”

Hindi makaresponde nng maayos ang mga guwardiya at mga hindi nakaunipormeng pulis dahil sa “election gun ban.”

Kulang din sa police visibility dahil karamihan sa mga pulis ay tumutugis sa Private Armed Groups ng ilang gagong politiko!

Hindi naman makatutok ang mga opisyal ng gobyerno dahil abala sa pangangampanya para manalo ang Team PNoy!

O hindi  ba election ang ugat nito?

‘Di rin maatupag ng kaparian ang pangangaral sa mga gago dahil abala pa sila ngayon kay Carlos Celdran! Ehek

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply