Pamalakaya nagpasaklolo sa DOJ

DUMULOG sa Department of Justice ang grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o PAMALAKAYA at Anakpawis Partylist upang maimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng 315 mangingisda at 46 vessels sa kasagsagan ng bagyong Pablo.

“We believe it is high time and urgent for the DoJ to conduct its own investigation on the case,” ayon sa liham ng grupo kay Justice Secretary Leila De Lima nitong January 9, 2013.

Giit ng nasabing grupo na sa sandaling mapatunayan ng DOJ na mayroong dapat managot, hiniling na magpalabas ng cease and desist order para sa suspensiyon ng operasyon ng mga malalaking tuna companies.

“If the situation merits, we ask the DoJ to issue a cease and desist order indefinitely suspending the operations of these big tuna companies involved this case of missing tuna fishermen while an investigatigation to be led by the justice department is being carried out for resolution,” nakasaad pa sa liham.

Matatandaan na nagpadala ng dalawang patrol boats ang Philippine Coast Guard mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), MCS-3009 at mula sa Mati port para sa search and rescue operations noong unang lingo ng December 2012.

Ang BFAR boats ay nasa 11.2 nautical miles Southeast sa Balut Island sa Saranggani province nang umalis habang ang isang pang rescue vessel ay pinadala upang galugarin ang Indonesian border.

“The families have yet to receive a report from the said search and rescue operations,” ayon sa liham.

Maliban sa cease and desist order, hiniling din ng grupo na kasuhan ng criminal ng DOJ ang tuna companies dahil sa pagpuwersa sa kanilang mga mangingisda na mamalakaya sa kabila nang sungit ng panahon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply