Pamamaril sa Kawit, Cavite kinondena ng Palasyo

abigail-valte

KINONDENA ng Malakanyang ang walang habas na pamamaril ng isang lalaki sa Barangay Tabon Uno sa Kawit, Cavite Biyernes ng umaga (Enero 4) na ikinamatay at ikinasugat ng ilang kapitbahay nito.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, na nakalulungkot ang ganitong pangyayari at hindi ito kayang gawin ng isang taong nasa matinong pag-iisip.

Dahil dito, mas paiigtingin pa aniya ng Philippine National Police(PNP) ang paglaban sa mga loose firearms na karaniwang ginagamit sa krimen.

Hindi pa naman makapagkomento ang Palasyo kung nakadroga nga ang suspek o hindi dahil isinasailalim sa awtopsiya ang napatay na suspek na si Ronald Bae na dating kumandidatong kapitan sa nasabing barangay.

Nabaril ng mga rumespondeng pulis ang suspek na armado ng kalibre .45 pistol.

Pito sa mga napatay ang pinangalanan ng mga pulis na kinilala ng sina: Rhea De Vera, 34 anyos (na isang buntis);Gilbert Toledo (tricycle driver); Mikaela Caymol (7-anyos); Alberto Fernandez, 55-anyos (na kasamang binaril ang alagang aso); Irene Cunelas, 38-anyos (fruit vendor); Jan Monica De Vera (3-taong gulang) at Al Orio (taho vendor).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply