Pamamaril sa loob ng korte sa Cebu, iniimbestigahan na ng SC

crime-gun

PANSAMANTALANG itinigil kahapon ang lahat ng hearing sa mga korte sa Cebu City.

Ito ay matapos atasan ni Court Administrator Midas Marquez si Cebu City RTC Executive Judge Silvestre Maamo na ipatigil muna ang lahat ng pagdinig doon kasunod nang insidente ng pamamaril roon.

Agad namang tumulak si Marquez patungong Cebu para personal na alamin kung ano ang tunay na nangyari at i-monitor ang sitwasyon roon.

Una nang binaril ng isang Canadian national na respondent sa kasong malicious mischief  ang isang complainant na doktor at private lawyer nito sa Branch 6 ng Cebu City Muncipal Trial Court.

Sinabi naman ni Prosecutor General Claro Arellano na dinala na sa ospital si Prosecutor Theresa Casino na biktima rin ng pamamaril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply