Pamangkin ng hepe ng Koronadal police nanutok ng baril

TACURONG CITY, Sultan Kudarat- Arestado ang pamangkin ng hepe ng Koronadal PNP makaraang magwala sa isang bar at ireklamo ng panunutok ng baril sa naturang lungsod, sa kabila ng ipinapatupad na Comelec gun ban.

Nakuha kay William Libanan, 25, pamangkin ni P/Supt. Michael Libanan at residente ng Koronadal City, ang kalibre 38 at tatlong live ammunitions.

Sa report, nagwala si Libanan na lango sa alak sa loob ng isang bar na matatagpuan sa Alunan Avenue.

Pinigilan pa ng security guard ng bar si Libaban subalit ayaw nitong magpaawat hanggat ireklamo sa may-ari ng establisimyento na kanyang tinutukan ng baril.

Sa ngayon nasa lock-up cell na ng Koronadal City si William habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply