Pamilya na-hit and run: Paslit todas, 4 sugatan

bangkay-4

TODAS ang 4-anyos na batang lalaki habang sugatan ang apat na kapamilya nito makaraang mabiktima ng hit-and-run sa Barangay Bulacao, Talisay City, Cebu, Lunes ng gabi.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente na ikinasawi ni Niño Gundino at ikinasugat ng mag-asawang sina Ronnie at Elvira Gundino at dalawang anak nito na sina si Erika Gundino, 7, at si Faith, 1.

Nabatid na nagtitinda ang mga biktima ng mangga at sakay ang mga ito ng pedicab at patungo sana sa Cebu City nang biglang suwagin ng rumaragasang itim na Montero.

Bigo namang makuha ang plate number ng tumakas na sasakyan ngunit suwerteng napadaan ang ambulansya na siyang nagdala sa mga biktima sa Don Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Umapela naman ang pulisya na sumuko na ang responsable sa naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply