PANALO ANG BAYAN KAY CAYETANO

alingawngaw

MATIYAGA at naiintindihan ng mamamayan ang mga paliwanag ni Senador Alan Peter Cayetano sa issue ng paggasta ngayon ng pera sa Mataas na Kapulungan.

Mayroong punto ang mama na mas makabubuting isang pribadong auditing firm ang magtasa o mag-audit sa katayuang financial ngayon ng Senado kaysa taga-Commission on Audit (COA) na mukhang natameme sa kontrobersya sa Senado.

Kung tibay ng loob o sa salitang kalye ay bayag ang pag-uusapan ay talaga namang mayroon itong  si Alan Cayetano at iyan ay kanya nang napatunayan sa sari-saring isyung kanyang tinindigan bilang senador.

Halatang may napikon sa mga banat ni Cayetano sa Senado sa mga araw na iyon ukol sa isyu.

Nariyan iyong mga lumang usapin na ipinukol sa kanyang pamilya.

Gastusan sa Senado ang issue nina Senador Miriam Santiago at Antonio Trillanes at Alan Cayetano pero naging personal na usapin ang dating nito sa iba.

Maging ang ilang senador ay natameme sa hiling ni Cayetano na pabuksan ang libro ng Senado.

Marami pang negatibong naidulot ang pagbibigay ng ‘cash gift’.

Ito’y sa kabila ng paliwanag ng pamunuan ng Senado na walang ‘cash gift’ kundi tseke ang ginagamit nito upang mabantayan maging ng Commission on Audit ang pinanggalingan, pinupuntahan at pinaggagamitan ng salapi.

Napatunayan ni Alan Cayetano na basta’t nasa tama ang iyong ipinaglalaban ay tiyak na kakampi mo ang sambayanan dahil pera ng bayan ang iyong ipinaglalaban.

Ngunit ang bayan pa rin ang maghuhusga sa lahat sa bandang huli.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply