PANALO ANG SBMA

ito-ang-totoo-colored

KUMITA rin sa wakas ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), tagapangasiwa ng Subic Bay Freeport, matapos ang may 20 taong pagkalugi.

Ito ang Totoo: sa huling tatlong taon lamang ng dating administrasyon sa SBMA, mahigit apat na bilyong piso ang lugi ng ahensiya.

Pero nang pumasok ang administrasyon ni Chairman & Administrator Roberto V. Garcia, kumita ang SBMA ng P789M noong 2012 mula sa pagkalugi ng P1.2B noong 2011.

Nakahulagpos sa 20 taunang pagkalugi ang SBMA, ayon kay Garcia, sa pamamagitan ng pagpapalago ng revenues, pagbabawas ng operating expenses at nakatulong rin ang paborableng exchange rate.

Lumantad ang datos na ito sa katatapos na “Strategic Planning Conference” na isinagawa ng SBMA officials kamakailan.

Sa kabila nito, bumalangkas pa rin, aniya, sa naturang strategic planning, ng mga bagong inisyatibong tuon sa seaport, airport, turismo at nagtakda ng targets sa commercial at industrial leases bukod pa sa pagsusumite ng detalyadong plans of action na inaprubahan ng SBMA Board.

Malaki na ang ipinagbago ng Subic Bay Freeport sa loob ng isang taon lamang.

Bukod sa kumikita na ang SBMA,  naglipana na rin ang mga bagong atraksyon tulad ng Harbor Point ng Ayala Malls na hindi matanto kung saan nanggagaling ang mga taong nagsisiksikan sa mga resto, supermarket, department store at iba pang negosyo.

Hindi na mapahihiya ang Subic Bay Freeport (na ang maling tawag ng marami ay SBMA) sa mga turista, mapa-dayuhan o lokal, pati sa mga cruise liner ships na minsan ay may dumating subalit agaran ding umalis sa kawalan ng aktibidad at mapupuntahan.

Pero  noon iyon, Ibang-iba na ngayon.

Ito ang Totoo: maipagmamalaki ni Garcia ang magandang performance ng SBMA sa ilalim ng pamumuno niya.

Itong si Garcia ay hindi politiko kaya hindi namumulitika at hindi mapambola kaya minsan, may mga nayayabangan sa kanya.

Sa tingin natin, tama lang ang ginagawa ni Garcia dahil kung hindi, hindi sana kumita ang SBMA ng kulang isang bilyong piso nitong 2012 mula sa pagkalugi ng P1.2 B sa sinundang taon. Ito ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply