Pananahimik ng LP sa P1M MOOE mula kay JPE, ikinagulat ni Jinggoy

NABIGLA si Senador Jinggoy Estrada sa patuloy na pananahimik ng mga Liberal Party (LP) senators hinggil sa isyu ng pamimigay ng mahigit P1M Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ni Senate President Juan Ponce Enrile sa 18 senador.

Ayon kay Estrada, hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang mga bibig sa naturang isyu ng mga senador na kaanib ng LP.

Kasabay nito, muling nanindigan si Estrada na discretion ng alimang pangulo ng senado kung papaano gagamitin ang pondo ng senado.

Kasabay nito naniniwala si Estrada na hindi sapat ang bilang ng mga senador na papabor para patalsikin sa puwesto si  Enrile.

Ayon kay Estrada, tsismis lang ang balitang kudeta sa senado at kung sakali man umanong matanggal sa puwesto si Enrile ay handa rin ang senador na magbitiw bilang senate president pro tempore.

Matatandaang ilang beses nang lumutang ang mga balitang may mga kumikilos na senador para patalsikin sa pwesto si Enrile na ilan sa mga napipisil na pumalit ay sina Senador Franklin Drilon at Manny Villar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply