PANATA NI MAYOR DEL: SERBISYO 24

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online

ANG pangatlong Ulat sa Bayan o State of the City Address ni Mayor Del R. de Guzman ng Marikina ay umikot sa kahalagahan ng panata at ang pagiging sagrado nito. Para kay De Guzman, ang panata ay isinasabuhay at tinutupad.

Inilahad ng mayor ang impluwensiya ng kanyang mga panata at mga sinumpaan sa kanyang dalawampu’t apat na taon sa public service. Nabanggit niya ang sinumpaan niyang “to help other people at all times” sa Boy Scouts Oath, ang kanyang debosyon at panata sa Black Nazarene ng Quiapo, ang Panunumpa ng Isang Lingkod Bayan, atbp.

Ika-50th na kaarawan ni De Guzman sa Pista ng Nazareno kaya’t minabuti niya na magbitaw ng isang pangako sa kanyang mga constituent sa pamamagitan ng isang programa na siyang tutugon sa pangangailangan ng mga Marikenyo sa anomang oras.

Serbisyo Beinte Kuwatro (24) ang tawag niya dito.

Kung ang “Make it Marikina!” ang nagbigay buhay sa kanyang vision na ang Marikina ay maging preferred city of new residents, of new investments, and more visitors … ang Serbisyo 24 naman ang paraan para ito ay makamit ng Marikina by 2016. Kailangan kasi na mag-house cleaning muna ang Marikina ngayong 2013-2016 bago ito mag-imbita sa ibang tao na manirahan dito, magnegosyo dito, at mamasyal dito.

So ang Serbisyo 24 ay ang pagtatama at pagpaprayoridad ng mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan para makamit ng bawat Marikenyo ang pinangakong “tunay na kaunlaran.” Hopefully, sa huling term niya bilang mayor sa 2016-2019 ay hinog na hinog na ang Marikina para tumanggap ng mga bagong lipat na residente mula sa middle to upper class families, mga negosyante na magpapasok ng solid investments sa lungsod, at milyon-milyong dayuhan na bibisita sa mga kaaya-ayang pasyalan nito.

Kung matatandaan, ang “Tunay na Kaunlaran, Tao Naman” ang governance philosophy ng Marikina sa unang term nina Mayor Del, Vice Mayor Fabian Cadiz, at Congressman Miro Quimbo. Ngayon, sa Serbisyo 24 – bawat oras, serbisyo sa tao.

“Kailangan kasi na maramdaman ng tao na maaasahan nila ang lokal na pamahalaan sa oras ng peligro – anomang oras ito,” paliwanag ni Ryan Salvador na General Services Officer at Chairman ng Sapatos Festival. Para kay Acting City Administrator Jun Aguilar, ang Serbisyo 24 ay compassionate yet firm enforcement ng mga umiiral na batas at ordinansa sa Marikina.

Tandaan ninyo, ang sumpang ito ang panata ni Mayor Del sa sambayanan ng Marikina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply