Panawagan ni Sen Santiago sa COA, suportado ng grupong Kadamay

miriam5

SUPORTADO ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay ang panawagan ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa Commission on Audit (COA) na isapubliko ang kada-taong kabuuang kita ng mga senador at representante matapos mabunyag ang paggamit ng umano’y savings ng Senado para sa Chirstmas bonuses ng mga senador.

Ayon sa Kadamay, liban sa karapatang malaman ng taumbayan kung saan napupunta ang kanilang mga buwis, maganda ring batayan ng mga botante ang nasabing report para sa mga muli nilang ilulukloksa mga kasalukuyang mamababatas sa darating na halalan.

Ayon kay Santiago, dapat kabilang sa total income ng mga mambabatas ang kanilang basic salary, Christmas and other bonuses, monthly honoraria for committee work, monthly appropriation to be spent at the senator’s discretion for staff salaries and for MOOE (maintenance and other operating expenses), appropriations for consultants, foreign travel funds, at iba pa.

Taong 1995 pa umano ng unang nanawagan si Santiago na ilabas ng COA ang kabuuang kita ng mga mambabatas. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito ginagawa ng COA dahil sa pagharang mismo ng mga mambabatas.

Ayon sa Kadamay, hangga’t hindi ito ginagawa ng nasabing ahensya, bilyong piso mula sa taunang pondo ng gubyerno na mailalaan sana sa mga tunay na kontra-kahirapang programa ang mapupunta lamang sa bulsa ng mga mambabatas.

Hirit pa ng grupo, “Kasuka-suka ang naging pamamahagi ng Christmas bonuses ni Senate President Juan-Ponce Enrile sa mga kapanalig nito sa Senado. Nakakahilo ang pinagmamalaking daang matuwid ng administrasyong Aquino sapagkat ultimong ang mga nagpapatakbo dito ay lasing na lasing sa korapsyon.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply