Pangamba ng Aman scam victims pinawi

manuel-amalilio1

PINAWI ng Malakanyang ang pangamba ng mga naging biktima ng pyramiding scam na Aman Futures Group Philippines Inc.  sa posibilidad na hindi na makabalik ng Pilipinas si Manuel Amalilio na nananatili sa Malaysia dahil may kinahaharap ding kaso doon.

Pinanghawakan ni Presidential spokesman Edwin Lacierda ang naging pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima na pansamantala lamang ang pagkakabinbin ng pagbabalik ni Amalilio sa bansa.

Sa katunayan aniya ay nasa proseso na ang PIlipinas ng pagpapabalik nito sa bansa.

Itatanong naman muna ni Sec. Lacierda kay Pangulong Aquino kung kailangan nang tawagan si Malaysian Prime Minister Datuk Seri Najib Tun Razak  para pakialaman na ang repatriation ni Amalilio.

“I would have to ask the President that. I don’t think so because we have a very good working relationship with our Malaysian counterparts. So we don’t see that as a problem,” aniya pa rin.

Sinabi ni Sec. Lacierda na mayroong Mutual Legal Assistance Treaty  ang bansa sa Malaysia subalit wala naman siyang ideya kung ang tawag doon ay tratado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply