Panuntunan sa gun ban exemption, ilalabas ng Comelec

ISANG command conference ang idaraos ng pamunuan ng Commission on Elections (Comelec),  Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong araw kaugnay sa implementasyon ng election gun ban sa Linggo, Enero 13, na siyang simula rin ng 120-day election period.

Inaasahang tatalakayin rin umano sa naturang pulong ang mga gagawing paghahanda ng pamahalaan sa pagtiyak ng seguridad at kapayapaan sa panahon ng eleksiyon.

Kasabay nito, muli namang nagpaalala si Comelec Commissioner Rene Sarmiento sa publiko na ang papayagan lang nilang makakuha ng exemption ay ang mga pulis, sundalo o security personnel.

Aniya, maaari lamang naman aniyang magdala ang mga ito ng baril sa labas ng tahanan kung sila ay naka-uniporme, on duty at wala sa impluwensiya ng alak.

Samantala, ang mga pulitiko naman ay papayagan umanong makapag-avail ng dalawang security personnel para sa senatorial level at isa naman sa local level.

Sinabi naman ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na sa kaso ng mga pribadong indibidwal ay plano nilang bigyan na lamang ang mga ito ng security detail sa halip na gun ban exemptions, sa sandaling maging epektibo na ang gun ban.

Ayon kay Brillantes, bumuo na sila ng mga rebisyon sa implementing rules and regulations ng gun ban na ipiprisinta nila sa PNP at AFP sa isasagawang command conference.

Napagkasunduan umano nilang depende sa rason, ang isang pribadong tao ay hindi bibigyan ng exemption at sa halip maaaring bigyan na lamang ng security detail.

“Depende sa reason. What we’ve agreed is if private person, you’re entitled to security. Bibigyan kayo ng security pero di kayo mismo,” aniya.

Aniya pa, ang mga taong nais ng exemption ay dapat na lumiham sa Comelec-committee on the ban on firearms and security personnel upang mag-request ng exemptions.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply