Panuntunan sa pag-iisyu ng lisensiya ng baril pinarerebisa ni Mar

IPINAG-UTOS na ni Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas ang pagrerebisa sa kasalukuyang reglamento sa pag-iisyu ng lisensiya ng mga baril sa isang indibidwal.

Ang pagrerebisa ay sa harap na rin ng magkakasunod at magkakaibang insidente ng karahasan na sangkot ang paggamit ng baril.

Ayon sa kalihim, sinisimulan na ng PNP Firearms and Explosives Division (FED) ang pagsasagawa ng audit at datos hinggil sa kung ilan sa mga nalisensiyahang baril sa bansa ang shotgun, pistola at iba pa at kung ilan sa mga ito ang nasangkot sa alinpamang mga kaso o karahasan.

Sa ganitong paraan umano, ayon sa kalihim ay mas madaling matukoy kung alin sa mga baril ang kailangang higpitan pa sa pagbibigay o isyuhan ng lisensiya.

Iginiit ni Roxas na mahalaga na mas mapagtibay at higpitan pa ng PNP ang kakayahan nitong makapag regulate  ng mga armas.

Paliwanag pa ng kalihim na sa oras na mabuo ang mga bagong panuntunan ay agad nila itong isusumite kay Pangulong Aquino para sa pag-apruba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply