Papalit sa 2 magreretirong commissioner, pangalanan na – Brillantes

pnoy8

UMAAPELA kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr. na ngayon pa lamang ay pangalanan na ang mga taong makakapalit sa puwesto ng dalawang senior commissioner ng poll body na nakatakda nang bumaba sa puwesto sa susunod na buwan.

Sina Commissioners Rene Sarmiento at Armando Velasco ay magreretiro na sa puwesto sa Pebrero 2, tatlong buwan bago ang May 13 midterm polls.

Dahil dito, nais ni Brillantes na hanggang maaga ay malaman na kung sino ang papalit sa mga ito sa puwesto upang kaagad silang maturuan sa mga dapat gawin lalo na’t mapapasabak kaagad ang mga ito sa halalan.

“Hinihingi ko sa Presidente na maglagay na siya (ng kapalit) as early as possible,” panawagan pa ni Brillantes.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Brillantes na walang epekto sa paghahanda nila sa halalan ang retirement ng dalawang commissioner dahil halos tapos na aniya nila ang ginagawang preparasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply