Paragua hindi matinag sa PSC Cup

mark-paragua-1

AYAW paawat ni Pinoy GM Mark Paragua sa kanyang pagtugis sa titulo ng Philippine Sports Commission (PSC) Cup International Chess Championships na ginaganap sa Ninoy Aquino Stadium sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Nananatiling walang bahid si Olympian Paragua matapos nitong payukuin si GM Darwin Laylo sa round 5 kanina sa event na may nakatayang US$6,000 sa magkakampeon.

Nakalikom ng 5 pts. si No. 6 seed Paragua, (elo 2519) kabuntot ang kababayang si FM Haridas Pascua na may 4.5 pts. matapos kaldagin si FM Randy Segarra.

Nakatakda namang magharap sina Paragua at Pascua sa sixth round na ipinatupad ang nine rounds Swiss system.

Sina IM Rolando Nolte at Hamed Nouri ay magkasalo sa third to sixth places tangan ang apat na puntos.

Kasama nila Nolte at Nouri sina Top seeded GM Alexandr Rakhmanov, (elo 2612) ng Russia at Mongolian chesser IM Bayarsaikhan Gundavaa.

Giniba nina Nolte at Nouri ang mga kababayang sina NM David Elorta at GM John Paul Gomez ayon sa pagkakasunod habang si Rakhmanov ay pinisak si Edsel Montoya.

Makikilatis naman ang tikas ni Nolte dahil makakalaban niya si Rakhmanov habang si Nouri ay makakaharap si Gundavaa sa event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines sa pangunguna nina NCP Chairman Prospero “Butch” Pichay, Jr. at executive director Jayson Gonzales.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply