PARAISO SA PANGAKO NG MGA KANDIDATO

Allan Encarnacion mano_mano web copy

KAPAG napapanood ko ang mga TV propaganda ng mga kandidato, pakiramdam ko ay para akong nasa paraiso.

Parang sa bawat salita nila ay nabubusog ako, may pang matrikula ang mga anak ko, may gamot ang mga kamag-anak kong may sakit at ang mga kabataan ay masayang naglalarong busog sa payapang komunidad.

Sa paulit-ulit na eleksiyong nangyayari kada ikatlong taon, walang duda na nasa maayos na dapat na kondisyon ang ating bayan dahil sa dami ng mga pangako ng mga kumakandidato.

Kaya nga itong paparating na aleksiyon ay gamitin nating pagkakataon para maging mapanuri sa mga namamalimos ng inyong boto.

Huwag na sana tayong magpaloko sa mga bolero.

Bago kayo bumoto sa Mayo, pagmasdan muna ang inyong mga anak, ang inyong mga kapaligirang pinabayaan at ang mga gutom nating kababayan.

Bawasan natin ang mga magnanakaw sa pulitika.

***

Hanggang ngayon ay  hindi pa rin makahulagpos ang Presidential Anti-Organized Crime Commission sa masamang aninong iniwan ng PAOC-TF.

Sa pagdawit ng pangalan ng PAOCC sa Atimonan massacre ay muling bumalik ang masamang karakter ng PAOC-TF.

Kailangang magpakabait si Col. Glenn Dumlao na ngayon pa lamang nakababalik sa PNP sa hindi malamang dahilan.

Hindi dapat makalimutan ni Dumlao na sa bawat sablay niya ay apektado ang magandang image ni Senator Ping Lacson dahil alam ng publiko na ito ang kanyang amo.

Paano ka  nga ba nakabalik sa serbisyo, Col. Dumlao?

***

Hindi bagay sa mga matatandang tahiran sa Senado ang lantarang mag-away sa harap ng publiko.

Kahit anong putik pa ang ibato ng isang senador sa kanyang kapwa senador ay para lamang silang dumudura paitaas.

Bumabagsak sa kanilang mukha ang dura na kanilang ipinupukol kaya mas makabubuti pang manahimik na lamang kayo.

***

Nag-react din sa wakas ang Commission on Human Rights sa masaker sa Atimonan, Quezon.

Mukhang masyadong matagal na loading ang isip ng mga taga-CHR kaya ngayon lang nila naisip na gumamit ng excessive force ang mga pumatay sa labing tatlong hinarang sa checkpoint sa Quezon.

Speedy bagal din naman kayo r’yan sa CHR.

***

Matindi ang mga propaganda ni Dick Gordon sa facebook, sa print at sa mga telebisyon.

Mabuting tao at madaling lapitan ang packaging ni Gordon sa kanyang mga propaganda pero mukhang hindi ganito ang sinasabi ng mga kasamahan niya sa Red Cross.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply