Parak, 6 brgy. police personnel todas sa Negros Occ. ambush

3-dead

NALAGAS sa ambush ang pitong katao kabilang ang isang pulis nang ratratin ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Negros Occidental kaninang madaling araw (Enero 27).

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si P01 Richard Tamha.

Kabilang din sa kaswalidad ay mga miyembro ng Barangay Patrol Action Team (BPAT) at ilang sibilyan na nakisakay lamang sa police at barangay vehicles.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 3 ng madaling araw sa Barangay Cabacungan sa La Castellana town, Negros Occidental.

Ayon sa imbestigasyon ni P01 Junrie Gan Jr., bago ang insidente ay pabalik na sa headquarters ang mga biktima mula sa pagdalo sa isang kapistahan sa Barangay Puso.

Pagsapit sa lugar, inambus ng mahigit sa 15 armadong kalalakihan ang mga biktima na pawang sakay sa kani-kanilang sasakyan.

Nang tanungin naman si Negros Occiental Police Provincial Office (NOPPO) Senior Supt. Celestino Guara, kung ang nagkasa ng ambus ay mga komunistang NPA “Hindi namin alam kung sila ba o hindi, sagot nito.

Ipinagdiriwang nitong nakaraang Sabado ang kapistahan sa nasabing barangay at nagkaroon nang magdamagang sayawan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply