Parak tigok sa pamamaril sa Malabon

crime6

(UPDATE) Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang isang pulis ng limang hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan sa Barangay Tañong, Malabon City, Huwebes ng umaga.

Dead on the spot sa pinangyarihan si P02 Rolando Madronero, Jr., 32, may asawa, nakatalaga sa RPHAU-NCRPO National Capital Region Command at residente ng 1st Street ng nasabing barangay, sanhi ng limang tama ng bala ng kalibre 45, na tatlo sa ulo at dalawa sa katawan.

Ayon sa ulat, dakong alas 6:45 kaninang umaga nang maganap ang pamamril sa tapat ng Tañong National High School sa nasabing barangay.

Nabatid na nakaupo ang biktima sa motorsiklo nito habang hinihintay ang kanyang asawa nang dumating ang limang lalaki na agad nagsipagbunot ng baril at pinaputakan nang malapitan ang biktima na agad na ikinasawi nito.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na naglakad papalayo sa lugar ang mga suspek.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung totoo ang nakalap na impormasyon na umano’y may sinampal at tinutukan ng baril si Madonero kaya posibleng ginantihan ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply