Parak tigok sa rumaragasang sasakyan

accident

TIGOK ang isang pulis matapos itong bundulin ng rumaragasang di pa batid na uri ng sasakyan hating gabi ng Enero 20 sa kahabaan ng Road 10 Northbay Boulevard South, Navotas City.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si P03 Edgardo Fernandez y Bugallon, 48, Blk 34-D Lot 37, Phase 2, Area 2, NBBS at nakatalaga sa Northern Police District (NPD) sanhi ng tinamong pinsala sa katawan at pagkabasag ng bungo.

Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan kung anong uring sasakyan at ang killer driver na tinakasan matapos ang krimen.

Base sa imbestigasyon ni P01 Reynaldo Segua, ng Navotas Traffic pulis, dakong alas 12:30 kaninanang hating gabi ng maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Nabatid, tinatahak ni P03 Fernandez ang madilim na bahagi ng Road 10 mula Manila sakay ng Kawasaki motor na may plakang 1473-N-I nang biglang banggain ang likuran na nagresulta ng pagtilapon ng ilang metro at naging sanhi ng kamatayan.

Dahil sa lakas ng pagkakabanga nawasak ang naturang motor na sinakyan ng biktima.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang pagkakakilalan sa naturang killer driver.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply