Parañaque naghahanda para sa 2012 CAF

TULAD sa mga naunang edisyon ng pag-aaral ng National Statistics Office, ang Pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Florencio Bernabe, Jr. ay muling makikipagtulungan sa naturang ahensiya ng pamahalaan para sa pagsasagawa ng 2012 Census of Agriculture and Fisheries.

Ang 2012 CAF ay malawakang pagkalap ng gobyerno ng mga datos sa buong bansa hinggil sa sektor ng agrikultura at pangingisda (agriculture and fisheries sector) tungo sa pagbuo ng balangkas para sa mga programa para sa kapakanan ng mga mamamayan at pagpapaunlad ng ekonomiya at bansa.

Bibisita at magsasagawa ng panayam ang mga “field enumerators” ng pamahalaan mula Pebrero hanggang Marso 2013 sa bawat kabahayan (household) sa lungsod. Magsasagawa rin nito ang nasabing ahensiya ng gobyerno sa mga establisimiyento sa agrikultura at pangingisda sa siyudad. Para sa nasabing proyekto, nagre-recruit ngayon sa siyudad ng Field Enumerators at Team Supervisors.

Ang sinumang residente ng lungsod na interesado sa mga nasabing bakanteng posisyon ay dapat personal na magsumite ng mga sumusunod na papeles kay Ms. Tess Quinto, Project Evaluation Officer IV, City Planning Office, City Government of Parañaque, 4/F P’que City Hall, San Antonio Valley 1, Parañaque City o Mr. Boy Alba, Dist. Statistics Officer-Parañaque, National Statistics Office-NCR VI, 63-65 SKK Bldg., Buendia Ave. (bet. F.B. Harrison and Roxas Blvd., 2nd Flr. of BPI),Pasay City: Application letter, bio-data, 2 X 2 litrato, 2013 cedula at BIR TIN.

Ang mga kwalipikasyon para sa mga posisyong nasabi ay ang mga sumusunod: Ang aplikante ay kinakailangang taga-Parañaque; nakatapos sa kolehiyo o nakakumpleto ng dalawang taon sa antas na ito; hindi tataas sa 40 ang edad; may naunang karanasan sa census work o wala; makakapagtrabaho kahit na Sabado, Linggo, piyesta opisyal (holiday) o lampas ng alas-singko ng hapon, kung kinakailangan; may disenteng personalidad, hindi mahirap basahin ang sulat (with legible handwriting); madaling makapagpaintindi o magaling magpaliwanag sa mga tao; at magalang at may disenteng personalidad.

Ang mga matatanggap na aplikante ay isasailalim ng National Statistics Office sa isang kaukulang pagsasanay para sa  isasagawang census sa siyudad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply