Parkinson’s disease opinyon lang ng mga eksperto – Pacquiao

pacu

DISMAYADO si Pinoy boxing champ Manny Pacquiao sa pahayag ng ilang eksperto na may sensales ito ng Parkinson’s disease.

Ayon kay Pacquiao, personal na opinyon lang ng mga naturang eksperto ang kanilang mga pahayag dahil hindi naman siya sumailalim sa pagsusuri ng mga ito.

Nauna rito, sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) President Dr. Rustico Jimenez na nakikitaan na si Pacman ng ilang senyales ng Parkinson’s gaya ng pautal-utal na pagsasalita at panginginig ng kamay.

Dahil sa pahayag ng naturang eksperto sinabi ni Pacman na iresponsable ang naging pahayag ni Jimenez gayundin ng forensic expert na si Raquel Fortun.

Inamin naman noon ni Jimenez na hindi niya personal na na-check si Pacquiao at napansin lang niya ang mga ito sa tuwing lalabas sa telebisyon ang boksingero.

Sa kaniyang nakalipas na laban noong Disyembre 8, bumagsak si Pacquiao sa ika-anim na round na nawalan pa ito ng malay sa loob ng ilang segundo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply