Partido ni Casiño naalis sa balota

comelec-chair-brillantes

HUMINGI ng paumanhin ang Commission on Elections (Comelec) kay Bayan Muna Representative Teddy Casiño nang mawala sa talaan ang pangalan ng partidong kinabibilangan nito.

Ang paghingi ng dispensa ni Comelec Chairman Sixto Brillantes ay ipinarating kay Casiño kasunod ng reklamo ng mambabatas makaraang mapag-alaman na hindi nailagay sa balota ang kinabibilangan nitong partido.

Paliwanag ni Brillantes, kanya lamang nalaman ang naturang problema matapos ang pagdidisenyo ng balota.

Inamin ni Brillantes na gahol na sila sa oras para maitama ito ngunit gagawan pa rin aniya ng paraan ng komisyon.

Tiniyak naman ni Casiño na hindi ito makaaapekto sa magiging bilangan ng boto sa darating na Mayo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply