Pasay police, inutil sa SM demolition

BIGO ang Pasay Sherrifs Office na maisilbi ang writ of possession na inisyu ng Pasay RTC Branch 112 sa isang lote na binakuran ng SM Development Corp. sa lungsod ng Pasay.

Ito’y matapos hindi tumalima ang Pasay Police upang magbigay seguridad sa mga tauhan ng Sheriffs office at mga demolition teams na kasama dito na gigiba sa mga bakod na iligal na itinayo ng SMDC dahil hindi umano sa kanila ang lupang iyon.

Nagdagdag umano ang SMDC ng mga todo armadong sikyu upang hindi mapasok ng sheriff at demolition teams ang loteng kanilang binakuran.

Ayon kay Rodelio Buenviaje ,sheriff ng korte ,nadismaya umano sila at ang mga nagmamay-ari ng 5,640 square meter na lote na nasa panulukan ng Lourdes St. at Roxas Blvd.

Nagtaka ang mga anak ni Danilo Herrera na siyang tagapangasiwa ng lupa at may hawak ng legal na titulo, dahil sa di pagsama ng mga awtoridad upang ipatupad ang utos ng korte na inilabas ni Judge Jesus Mupas ng RTC 112.

Nang tanungin ang hepe ng Pasay City Police na si PSSupt. Rodolfo Llorca kung bakit di niya binigyan ng pwersa ang Sherrifs Office upang isilbi ang court order ay di ito sumagot at inilipat na lamang ang pagsagot sa isyu sa kanyang hepe ng Operations na si PSupt. Joel Villanueva.

Naghain naman ng petisyon ang pamilya Herrera sa korte upang sa National Bureau Of Investigation na ipasilbi ang utos ng korte bagamat nagsabi ang Pasay PNP na aasiste pa rin sakaling magkaroon ng kaguluhan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply