Paslit nalaglag sa ilog, patay

paslit-nalaglag-sa-ilog

NATAGPUANG patay ang isang dalawang taong gulang na batang babae na hinihinalang nalaglag at nalunod sa Navotas River.

Palutang-lutang sa ilog sa bahagi ng Lapu-Lapu Avenue sa Navotas River nang matagpuan ang batang kinilalang si Baby Ruth Garcia.

Sa imbestigasyon, kahapon pa nawawala ang bata na huli umano itong nakita na naglalakad malapit sa ilog.

Hinala ng pulisya na nawalan ng balanse ang bata habang naglalakad kaya ito nahulog sa ilog.

Gayunman, inaalam pa ng awtoridad ang tunay na nangyari sa bata habang hinihintay pa ang resulta sa awtopsiya sa bankay nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply