Paslit nalapnos sa kumukulong sabaw

emergency

NALAPNOS ang katawan ng isang batang lalaki makaraang mabuhusan ng kumukulong sabaw ng nilulutong sinigang ng kanyang ama.

Kinilala ang 10-anyos na biktimang si Dave Mobo, ng Barangay Mobo, Kalibo, Aklan.

Sa ulat ng pulisya, tumabingi ang kalan na pinaglulutuan ng sinigang na baboy nang aksidenteng madulas at masagi ng bata  ang kumukulong sabaw.

Dahil dito, nalapnos ang katawan ng biktima mula sa dibdib hanggang paa.

Nananatili pang nilalapatan ng lunas ang biktima sa Aklan Provincial Hospital dahil sa second degree burn.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply