Paslit pisak sa van

LA UNION – Patay ang 3-anyos na batang lalaki makaraang mabundol ng van sa highway na sakop ng Barangay Tabtabungao, Rosario, La Union kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Rosario Dictrict Hospital ang biktima na kinilalang si Abril Trinidad, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng Rosario Philippine National Police, biglang tumawid ang biktima sa kahabaan ng national highway ng Barangay Tabtabungao at hindi ito napainsin ni Domingo Batnag, driver ng nasabing van.

Sa report, huli na ang pagpreno ni Batnag at nahagip ang bata.

Nahaharap si Batnag sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Sinisi naman ng lokal na pulisya ang ina ng biktima dahil sa kapabayaan nito na tumawid ang kanyang anak sa highway.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply