Paslit tigok sa bumagsak na bubong ng waiting shed

bangkay-4

DAHIL sa kapabayaan ng ahensya ng gobyerno, isang paslit na babae ang namatay matapos mabagsakan ng bubong ng waiting shed sa gilid ng Pasig River sa Kalawaan, Pasig City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, may mga batang naglalaro umano sa gilid ng waiting shed at niyuyugyog ang bubong kaya marahil bumagsak.

Batay sa pagsusuri, napigtas ang manipis na alambreng sumusuporta sa skeletal frame ng bubong kaya napigtas ito at nabagsakan sa ulo ang bata na kinilalang si Jessabel Pomeres, 9-taong gulang, na naka-upo sa gutter.

Batay sa nakalap na impormasyon, unang tinanggal ang bubong ng waiting shed noong itaas ang pader ng Pasig River at ikinabit lang ito sa pamamgitan ng manipis na wire.

Bukod sa batang babae, may dalawang batang lalaki pa ang nasugatan pero nakaligtas matapos na masuwerteng lumusot sa puwang ng frame.

Ayon sa barangay kagawad, pag-aari ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang waiting shed na sinasabing napabayaan ng ahensya ng gobyerno matapos ang proyekto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply