PATAS NA LABANAN SA MGA HALALAN

trending-ngayon-sonny-angara

MATAPOS aprubahan kamakailan ng mga miyembro ng Kamara ang Political Party Development Act of 2012 o HB 6551 sa ikatlo at huling pagbasa, may ilan na agad na pumuna rito na tila wala man lamang paglilinaw sa tunay na nilalaman nito.

Ang HB 6551 ay pinagtulung-tulungan naming likhain ng kapwa ko mambabatas na sina Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, Abante Mindanao partylist Rep. Maximo Rodriguez, Jr., TUCP partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza, at Bohol 3rd District Rep. Arthur Yap at hindi ko maaaring angkinin kailan man o solohin lamang ang mga merito ng makabuluhang panukalang ito.

Nilalayon ng panukalang batas na bigyan ng state subsidy ang Accredited National Political Parties (APPs) para mapalakas ang kanilang hanay.

Pinalalabas na tema ng batikos na baka magamit lamang ng matatatag nang partido politikal sa bansa ang ipagkakaloob na pondo. Kabaligtaran ito dahil naninindigan ako (at ang mga kasama kong umakda) na ang tunay na adhikain ng aming isinusulong na HB 6551 ay para sa edukasyon sa pagboto ng mamamayang Filipino at pagpapalakas sa ilang partido politikal na kaya lamang sinasabing mahina ay dahil sa kakulangan ng makinarya at pondo.

Kung ang APPs ay makatatanggap ng state subsidy para sa pagpapatitibay ng kanilang hanay, kanilang gastos sa kampanya, pagpaparami ng kanilang kasapian, pagbibigay ng kasanayan sa kanilang mga miyembro, at pag-abot sa kanilang nasasakupan, makatitiyak tayo na magiging patas na ang laban sa mga halalan at hindi na laging mapag-iiwanan ang ilang partido politikal, at inuulit ko, na kaya lamang itinuturing na mahina ay dahil walang makinarya at pondo pero maaaring may maipagmamalaking mga prinsipyo.

Sa bandang huli, ang bansa at mamamayan ang makikinabang sa pagsasabatas ng aming panukalang Political Party Development Act of 2012 dahil titiyakin nito na makararating sa mga botante ang mga plataporma at reporma ng mga partido politikal.

Makatutulong sa pagsulong ng Pilipinas at pag-angat ng uri ng pamumuhay kung informed ang bawat botanteng Pinoy sa pagpili ng mga magiging pinuno.

***

NAGPAPASALAMAT ako kina Mr. Mike Enriquez at Igan Arnold Clavio na hosts sa pilot episode ng “Ikaw Na Ba?” na iniere sa DZBB last Monday dahil sa pagbibigay nila sa akin ng pagkakataon na malinaw ang maraming isyu.

***
MULA kay @MaryAnneIngua: “@sonnyangara I was listening to ‘ikaw na ba?’ Earlier. I think IKAW NA :) 2013 election :)”

Thank you, Mary Anne Ingua. Sana agree rin na tulad mo ang 13 milyong Filipino.

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon, at komento, pumunta sa aking website na www.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply