Patay na beybi napulot ng basurero

NATAGPUAN ng isang basurero ang isang patay na sanggol sa basurahan sa transfer station sa Antipolo City.

Nakabalot pa ng lampin ang lalaking sanggol na tinatayang nasa tatlong linggo pa lang.

Hindi naman batid ng basurero kung sa tambak na basura nakuha ang sanggol o sa mga basurang nakolekta nila sa mga nadaanang residente.

Magsasagawa naman ng imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) kaugnay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply