Patay sa hostage taking sa Algeria, 7 OFW na

algeria-crisis

UMAKYAT na sa pito ang kumpirmadong namatay na overseas Filipino workers (OFWs) sa hostage taking sa gas field sa Algeria.

Ito ang kinumpirma ni spokesperson Raul Hernandez  sa isinagawang press conference ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan panibagong isang labi pa ang natagpuan na napaulat na dating nawawala.

“When the team was allowed to identify the remains of some of the bodies there, they were able to positively identify this person,” ayon kay Hernandez.

Tumanggi namang pangalanan muna ni Hernandez ang mga namatay bilang respeto sa pamilyang ipinararating pa lamang ang impormasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply