Patayan sa MMDJ, lagay sa droga at hulidap sa Gapo

benny antiporda

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga mambabasa na mailabas ang kanilang mga sumbong, hinaing, problema, paninindigan at marami pang iba.

Heto po sila.

PATAYAN SA MMDJ

Puwede po ba kayong mag-imbestiga sa Metro Manila District Jail sa Bicutan? Puwede po ba kayong magpadala ng media? Kasi po may nangyari na bugbugan at patayan doon sa jail at may na-comatose dahil po sa bugbog ng empleyado at ayaw po nilang magpadalaw kahapon pa po. 0946361….

SI DRILON AT SIN TAX LAW

Ngayon pa lang ay isipin na ng marami na huwag iboto si Sen. Drilon sa susunod na eleksyon dahil siya ang dahilan kaya nagtaas ang yosi. Drilon sa susunod sa kangkungan ka pupulutin. Dapat sana hindi na nanalo pa si Drilon dahil maghihirap lalo na ang mga nagtitinda ng yosi na iyon lang ang pinagkakakitaan. Buwisit siya. 0948500….

PCGG HUWAG BUWAGIN

Hindi dapat buwagin ang PCGG, kundi paigtingin at i-expand pa ang kanilang functions. Sila po ang humahabol ng mga iligal na kayamanan ng martial administration. 0920823….

REKLAMO VS SMART

Reklamo po sa SMART ito. Bakit palaging nagna-nakaw ng load? Ano ba ‘yan? Nanggagaling naman sa kanila ang mga load bakit nagnanakaw pa rin sila? Nakaiinis naman! God bless! Pls. don’t publish my #. Thanks!

SALUDO KAY BOC HEAD BIAZON

Sana ipagpatuloy pa ni Mr. Biazon ang pagtuligsa sa mga walang kaluluwa na nagdadala ng droga sa ating bansa at mabawasan ang grabeng krimen na epekto nito sa mamamayang Filipino. Congrats, Mr. Raffy Biazon. Sana humaba pa ang buhay n’yo. 0905732….

PUSHER SA TAGUIG CITY

Sir, dito sa Sampalok, Purok 6, Block 3, Bagong Tanyag, Taguig ang daming tulak ng shabu. Ang pangalan ng mga tulak ay Boboy, Toy, Ramon, Biyo at marami pang iba. May lagay daw sila sa pulis at barangay, paano ‘yan? ‘Wag mo nang ilagay sa diyaryo ang number ko baka madamay ang pamilya ko. Tulungan mo naman kami rito, sir! Kawawa ang mga kabataan dito, inutil ang mga pulis at barangay. Hindi namin alam kung kanino lalapit. Sana matulungan mo ang mga tao rito. Hawak daw nila ang kapitan ng barangay namin at mga pulis rito. 0949868….

HULIDAP SA OLONGAPO

Gusto ko po sanang magreklamo about kay Col. Tam-bungan dahil sa mga kalokohang pinaggagawa niya. Inuutusan niya ang mga pulis niya na mang-raid ng mga CD dito sa palengke ng Olongapo Market at pag wala silang mahuli na mga CD, eh, ang mga nagtitinda na lang ng mga CD ang hinuhuli nila at pagkatapos noon, eh, ipatutubos sila ng P30,000 bawat isang tao. Hindi naman siguro tama na manghuli sila ng mga tao na walang warrant of arrest at nag-uutos din sila ng mga pulis na tanggal na pala sa serbisyo. Sana matulungan n’yo po ang mga Muslim na kasuhan si Tambungan. 0947547….

BRGY. HALL TINDAHAN NA

Magandang hapon po sa inyo. Gusto po namin kayong batiin ng Merry Christmas and a Happy New Year at nawa’y ‘wag n’yo kaming pagsawaang tulungan sa paraan ng pagsisiwalat ng aming problema sa kolum ninyo gaya ng pang-aabuso sa katungkulan nitong si Chairman Boy Saudi, ng Brgy. 131 Bro. San Jose, Caloocan City. Ginawa nang tindahan ng kanyang mga kamag-anak ang harapan ng Brgy. Hall kaya wala na pong halos maraanan sa Kalye Kabatuan cor. Agudo, Kalookan City. Ni hindi kayang magpahuli ng mga tulak ng shabu na lantaran ang ben-tahan sa kanyang nasasakupan. Sana mag-resign na lang si Kap. Sayang lang ang pinasusuweldo sa kanya. Concerned citizen. 0928253….

TRAPIK SA BARANGAY HALL

Good pm po sa inyo. Nais ko lang po sana na bulabugin ninyo ang pamamahala ni Chairman Sonny Amoyo ng Barangay 130, Bario San Jose Kalookan City dahil sa ‘di na halos maraanan ang harapan ng aming Brgy. Hall sanhi ng mga kung ano-anong nakahambalang sa mga kalsada sa Tagaytay st., Kal. City. Tablan naman sana ng hiya ang Brgy. Chairman na ito na ‘di mo malaman kung saan naglalagi. ‘Wag kang kunsintidor, Chairman, ayusin mo naman ang panunungkulan mo! More power sa inyong kolum. Concerned citizen. 0928253….

MADAYANG PROMO NG TNT

Good am po, sir Benny. Bakit po ganyan ang TNT? Nag-load ako kahapon ng P30 tapos nag-register ako sa promo nila. Ito po ‘yung result. Ur regd to Gaan All-In-One30! U gt 300 txts to all networks + 30mins cols 2TNT/Smart valid for 2d.To col, dial *4545+TNT/Smart # (*454509101234567) RC:0000. Tapos ginamit ko na ‘yung free call mali daw ang dina-dial ko na #. E un ang nakalagay sa promo nila! Sayang lang ang load ko na P30! Ano ba ‘yan! 0907455….

TREN HINDI NAGBUBUSINA

Good am po, Kuya Benny Antiporda. Ako po si Lucia Amaro ng Mabolo, Naga City. Gusto ko po sanang ireklamo ang tren. Alam ko po na daanan nila ang riles pero minsan hindi sila nagbubusina kaya hindi po nakapagtataka kung marami na silang nasagasaan. Gusto ko po sanang maiparating ito sa pamahalaan para po malaman ang ginagawa ng pamahalaan ng tren. Kahit magtanong po kayo sa iba. Totoo ang sinabi ko na ‘di nagbubusina ang tren nila. Salamat po sa inyo. 0929502….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply