PATI DIBORSYO IPAPASA NA RIN – 2

bobby-ricohermoso

HINDI ko personal na kilala ang tatlong mambabatas na sina Marikina Representative Marcelino Teodoro at Gabriela Representatives Luzviminda Ilagan at  Emerenciana de Jesus subalit sa pamamagitan lang ng kanilang mga argumento ay halos mababanaag mo na ang mga pananaw nila sa usapin ng pagkakaroon ng asawa.

Lumalabas na nakikisimpatiya sina Ilagan sa mga kapwa nila babae na hindi maligaya ang buhay may-asawa bagamat hindi ako tiyak kung sa personal na buhay nila ay pinagdaraanan din nila ang karanasang ganito.

Si Teodoro naman ay ang tradisyunal na lalaking Pinoy na gagawin ang lahat para mailigtas ang kanyang sambahayan mula sa pagkakawatak-watak.

Para sa akin ay tama si Rep. Teodoro sa kanyang paninindigan.

Ang pamilya pa rin ang pinakaimportanteng bagay na nagbubuklod sa buhay ng bawat isang Filipino.

Kapag ito ang sinira mo ay sinira mo na rin ang institusyon na siyang pangunahing dahilan kung bakit sa kabila ng lahat ng hirap sa buhay ay nanatili tayong maligaya, lumalaban at nananampalataya sa Diyos.

Maliban pa rito, sa bawat isang kaso ng paghihiwalay ng isang mag-asawa ay hindi lang ang sarili nila ang kanilang sinasaktan kundi higit sa lahat ay ang kanilang mga anak.

Kapag nakalusot ang panukala sa diborsyo, wala na rin tayong pagkakaiba sa ibang lahi na hindi na rin naniniwala sa papel ng pamilya bilang pundasyon ng isang bansa.

At pag nangyari iyon, ang kasunod niyan ay hindi na rin tayo maniniwala sa Diyos, dahil si Hesus mismo ang nagsabi na “ang pinagsama ng Diyos ay hindi puwedeng paghiwalayin ng tao.”

Kung sa RH ay pabor ako pero no way sa akin ang divorce Pinoy style nina Ilagan at De Jesus!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply