PATI DIBORSYO IPAPASA NA RIN?

bobby-ricohermoso

To divorce or not to divorce, that is the question.

Mukhang ganito ang nangyayari ngayon sa Kamara sapagkat dalawang grupo ng mambabatas ang nagharap ng magkasalungat na panukalang batas kaugnay ng isyu ng diborsyo.

Ang isang panukala ay inihain ni Marikina Rep. Marcelino Teodoro na may pamagat na “Anti-Divorce and Unlawful Dissolution of Marriage Act” .

Sa pangalan pa lang ay malalaman mo na nagnanais ang panukala na walang anomang lehislasyon ang dapat ipasa na naglalayong sirain o ipawalang bisa ang anomang kasal.

Sa madaling salita, bawal magpasa ng anomang batas na magbibigay-raan para sa diborsyo.

Sa kabilang dako naman isang panukala ang inihain nina Gabriela Representatives Luzviminda Ilagan at Emerenciana de Jesus na naglalayong amyendahan ang Family Code para maisama roon ang probisyon para sa diborsyo.

Naniniwala kasi sina Ilagan at De Jesus na napakaraming mag-asawa sa bansa ang patuloy na nagsasama kahit na hindi na sila maligaya sa isat-isa kaya dapat nang gawing ligal ang paghihiwalay nila sa pamamagitan ng diborsyo.

Sa kanyang panukala, pinanindigan naman ni Teodoro na ang diborsyo ang siyang pangunahing dahilan kung bakit nawawalan na ng saysay ang pagpapakasal at pag-aasawa.

Kapag may diborsyo, paliwanag niya, ay magsisilbi itong mitsa para tuluyang maghiwalay ang mag-asawa kaysa ayusin ang problema dahil lamang sa maliliit na kadahilanan.

Hindi ko personal na kilala ang tatlong mambabatas na ito, subalit sa pamamagitan lang ng kanilang mga argumento ay halos mababanaag mo na ang mga pananaw nila sa usapin ng pagkakaroon ng asawa. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply